#Bully

Ako si Kodje, at isa ako sa biktima ng pambubully.

Pambubully, ito ay isa mga pinaka-pangit na karanasan na kailanma’y hinding-hindi mo ito malilimutan hanggang sa pagtanda mo. Ngunit ito rin ang magiging dahilan upang ikaw ay matutong humarap sa mga problema sa buhay na kailanma’y palagi mong mararanasan. Minsan na rin akong nadapa dahil sa mga ginagawa nilang pang-aapi, ngunit salamat sa Diyos at ako, akong isang hamak na simpleng mag-aaral ay nagawa ko pang ngumiti at magpatawad sa kanilang ginawang pambubully sa akin.

 

Nawa’y ang mga naging biktima at magiging biktima ng ganitong klaseng kaharasan ay magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga ganitong pagsubok at magawa pa rin nilang ngumiti sa kabila ng pagsubok sa buhay. At sana… sa mga manggagawa ng pambubully sa kanilang kapwa, sana isipin niyo muna sa inyong sarili kung ito ba ay magkakaroon ng magandang epekto sa buhay mo at sa buhay ng marami. Dahil ang pambubully ay hindi biro.

 

credits for the photo: http://news.ufl.edu/articles/2016/12/the-disturbing-connection-between-bullying-and-sexual-harassment.php

Korean Language Subject?

Isa sa mga pinaka-controversial na issue sa panahon ngayon ay ang pag-tanggal ng Filipino subject sa College department. Well for me, this is kinda sad for me. Dahil para sa isang Pilipinong estudyanteng katulad ko, ang pagkakaroon ng sariling wika ay isa na sa pinaka-magandang regalo na nating natanggap mula sa ating mga kanunuan. Ito na rin ang dahilan kung bakit nakilala ang mga Pilipino sa buong mundo. Ngunit, no’ng narinig ko ang ganitong klaseng balita, nagkaroon agad ako ng pangamba sa aking sariling bansa, dahil bakit nila ito ginawa sa ating wikang na noon pa ma’y ipinaglaban ng ating mga ninuno. Ano yun? Porke’t masyado nang naging tampok ang K-Pop sa mga millenial Filipinos ay kailangan na rin bang putulin ang ating dila na noon pa ma’y isinanay na ang ating sarili sa pagsasalita ng ating Inang Wika? Nawa’y magising ang bawat isa sa atin na mas buhayin natin ang ating sariling diwa, dahil sayang… sayang ang isinakripisyo ng ating mga ninuno sa pagtatanggol ng ating sariling wika laban sa mga dayuhang sumakop sa ating bansa.

 

credits for the photo: https://kprofiles.com/k-pop-girl-groups/