Ako si Kodje, at isa ako sa biktima ng pambubully.
Pambubully, ito ay isa mga pinaka-pangit na karanasan na kailanma’y hinding-hindi mo ito malilimutan hanggang sa pagtanda mo. Ngunit ito rin ang magiging dahilan upang ikaw ay matutong humarap sa mga problema sa buhay na kailanma’y palagi mong mararanasan. Minsan na rin akong nadapa dahil sa mga ginagawa nilang pang-aapi, ngunit salamat sa Diyos at ako, akong isang hamak na simpleng mag-aaral ay nagawa ko pang ngumiti at magpatawad sa kanilang ginawang pambubully sa akin.
Nawa’y ang mga naging biktima at magiging biktima ng ganitong klaseng kaharasan ay magkaroon ng lakas ng loob na harapin ang mga ganitong pagsubok at magawa pa rin nilang ngumiti sa kabila ng pagsubok sa buhay. At sana… sa mga manggagawa ng pambubully sa kanilang kapwa, sana isipin niyo muna sa inyong sarili kung ito ba ay magkakaroon ng magandang epekto sa buhay mo at sa buhay ng marami. Dahil ang pambubully ay hindi biro.
credits for the photo: http://news.ufl.edu/articles/2016/12/the-disturbing-connection-between-bullying-and-sexual-harassment.php